Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
Mental Health sa Basic Education gagawing prayoridad
Upang matugunan ang maraming kaso ng depresyon at iba pang pangangailangang mental sa mga eskwelahan, isinulong ni Pasig City District Representative Roman T. Romulo at ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Florence Reyes ang “Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act” o House Bill No. 929.
Ayon sa panukala, magdadagdag ng Guidance Counselors at Mental Health professionals, kasama ang umento sa sahod, sa mga paaralan para sa mga guro, estudyante at mga empleyado.
Bahagyang ibababa rin ang kwalipikasyon upang matugunan ang kakulangan sa bilang ng mga ito. “Ang problemang dulot sa emotional at psychological state dala ng COVID-19 sa ating mga mag-aaral at mga guro ay sagabal sa kanilang pagkatuto at kakayanan.
Nais nating gawing mas ligtas at kaaya-aya ang ating mga paaralan,” ani ni Rep. Reyes.