Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
ANAKALUSUGAN Party-list nanawagang i-veto ng Palasyo ang Vape Bill
ANAKALUSUGAN Party-list umapelang i-veto ng Palasyo ang VAPE BILL o “Non-Combustible Nicotine Delivery Systems Regulation Act” na nagbibigay ng eksklusibong regulatory jurisdiction sa mga e-cigarettes sa Department of Trade and Industry (DTI) imbes na sa Department of Health (DOH) at Philippine Food and Drug Administration (FDA).
Paliwanag ni ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Florence Reyes, ang panukalang batas ay nakatuon sa pag-regulate ng mga parte ng e-cigarette at vapes imbes na sa nakalalasong laman nitong nicotine-laced liquids. Inihayag din ni Rep. Reyes na ang panukala ay ibinababa ang edad ng pinapayagang bumili mula sa 21-taong gulang pababa sa 18-taong gulang na aniya ay lalo pang umi-engganyo sa mga kabataan na gawing “alternative option” ang vape.
“Napatunayan na ng mga pag-aaral na ang vape ay isang health risk katulad ng ibang tobacco products na sanhi ng adiksyon. Sa isang ulat ng WebMD nasa 56% ng mga users ay maaring magkaroon ng heart attack. Sana’y marinig ng Pangulo na ang panukalang batas na ito ay isang ‘commercial bill’ imbes na health bill na siya naman ang nararapat,” ani ni Rep. Reyes.