Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
Mandatory continuing benefits para sa public, private at barangay health workers habang may pandemya, batas na!
Pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang Republic Act No, 11712 na nagbibigay ng patuloy na benepisyo sa mga healthcare workers sa gitna ng pandemya.
Ang Anakalusugan Party-list (No. 51) ang isa sa mga principal authors na nagsulong ng napakahalagang batas na ito para sa ating mga medical frontliners.
“Ang mga healthcare workers natin na naka-assign sa high risk areas ay makakatanggap ng P9,000 kada buwan, samantalang ang mga nasa low-risk at medium-risk areas ay tatanggap ng P3,000 at P6,000, respectively, kada buwan,” ani Anakalusugan party-list nominee Ray Reyes.
Ang mga healthcare workers ay tatanggap din ng hiwalay na compensation kung sila ay magka-COVID habang naka-duty.
“Ang batas na ito ay katuparan ng pangako at commitment ng AnaKalusugan na alagaan ang kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipino, kabilang na ang ating mga healthcare workers,” dagdag pa ni Reyes.