Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
“Zero Hunger Bill” upang matugunan ang krisis at kagutuman sa ating bansa
Bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address, inihain ni ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Florence Reyes ang House Bill No. 2189 o “Zero Hunger Bill” na naglalayong tugunan ang krisis ng kagutuman at malnutrisyon sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, ginagarantya ang napapanatili ng abot-kayang suplay ng pagkain, pagkakaroon ng tamang nutrisyon, at pagtitiyak ng food safety at proteksyon sa mga mamimili sa loob ng pito at kalahating taon. Isasama rin sa kurikulum ng edukasyon ang food and nutrition education. Tataasan din ang alokasyon ng primary agricultural lands sa 50%, at 100% naman sa coastal areas para sa food production.
“Tungkulin ito ng Estado. Higit sa lahat, isang basic human right ang access sa pagkain upang hindi makaranas ng kagutuman. Bilang mambabatas, ito ay isang malaking hamon ngunit sa tamang pag- gamit ng ating mga pagkukunan, tiyak na ito’y makakamit natin,” ani ni Rep. Reyes.