Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
ANAKALUSUGAN itinawag na tanggalin muna sa merkado ang Lucky Me!
ANAKALUSUGAN Party-list nanawagan para sa pansamantalang pagtanggal sa pamilihan ng Lucky Me! Pancit canton hangga’t hindi pa lumalabas ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine Food and Drugs Authority (FDA).
“Habang ini-imbestigahan pa ng FDA kung mayroon bang ethylene oxide sa mga produkto ng Lucky Me! dito sa bansa, sana’y tanggalin muna sa merkado ang mga produktong ito upang masiguro nating hindi maapektuhan ang kalusugan ng ating kababayan.
Sana ay maging transparent din at fair ang gagawing imbestigasyon ng FDA,” ani Representative Ray Florence Reyes. Nakitaan ng mga food and safety regulators ng European Union ng ethylene oxide, isang uri ng pesticide at treatment na ginagamit sa mga produktong-agrikultuta, ang batches ng pancit canton na gawa mula Thailand.
Ito ang nag-udyok sa kanilang pamahalaan na maglabas ng paalala para sa mga mamimili. Sa ngayon, ang mga bansang France, Malta, at Ireland ay nagtanggal na ng Lucky Me! sa kanilang mga merkado.