Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
ANAKALUSUGAN Party-list muling inihain sa Kongreso ang libreng check-up para sa mga Pilipino
Bilang parte ng patuloy na dedikasyon ng grupo para sa mas accessible na serbisyong-medikal, inihain ni ANAKALUSUGAN Representative Ray Florence Reyes ang House Bill No. 430 o “Free Annual Medical Check-up Act of 2021” bill na naglalayon na bigyan ng libreng medical check-up ang lahat ng mga Pilipino.
Isinulong ni Rep. Reyes para sa ika-19 na Kamara ang batas na nag-uusig na gumawa ng programa, sa pangunguna ng Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), kung saan taunang makakapagpa-check-up ang bawat Pilipino ng walang bayad. Isa na rito ang pagche-check ng blood sugar at cholesterol level na sanhi ng pagkakaroon ng diabetes at sakit sa puso na nangunguna pa ring kimukitil sa mga Pilipino. Inimungkahi rin ni Rep. Reyes na ito ay mapakinabangan ng mga Pilipino sa loob ng buong taon.
“Ang annual check-up ay kayang agapan ang mga sakit kapag ito ay nadiskubre ng maaga. Dahil dito, mapapamura ang gastos ng bawat Pilipinong pamilya at mas magagamit nila ito sa iba pang mga pangangailangan. Makakatulong din ito sa pag-konte ng mga pasyente sa ospital at mas mabibigyan ng atensyon ang mas urgent at ambulatory cases,” ani ni Rep. Reyes.