Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
ANAKALUSUGAN Party-list inihain ang “Voltaire Rosales Bill” para sa mga abogado, huwes at prosecutors
ANAKALUSUGAN Party-list inihain ang “Voltaire Rosales Bill” o House Bill No. 1694 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 910 na magbibigay ng mas maigting na seguridad at karagdagang benepisyo sa mga abogado, huwes, piskal at iba pang mga manggagawa sa hudikatura.
Ito ay tugon sa nakaka-alarmang bilang ng mga napapatay na myembro ng hudikatura. Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng benepisyo ang mga mauulilang asawa at anak ng mga myembro ng hudikatura na napatay kaugnay sa kanilang trabaho.
Kasama na rin dito ang pagbibigay ng kompensasyong katumbas sa sampung-taong sahod at pagtataas ng pension benefits ng mga myembro kasabay sa pagtaas ng sahod sa kasalukuyan nilang posisyon. Ibibigay ang naturang benepisyo isang taon mula sa pagkamatay ng myembro.
Manggagaling ang ipamimigay na benepisyo sa kasalukuyang General Appropriations Act ng sangay ng hudikatura.
“Mula taong 2016, halos 61 sa ating mga piskal na myembro ang namatay. Ang panukalang na ito ay para sa lahat ng ating mga abogado, huwes, at prosecutors na patuloy na sinasakripisyo ang kanilang mga kapakanan upang mabantayan ang ating mga karapatan.
Mithi ng partido na ito ay maisabatas upang hindi na mangamba ang ating mga kawani,” ani ni Representative Ray Florence Reyes.