Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
Ikaw ba ay isang rehistradong botante para sa May 9, 2022 elections?
Narito ang mga bagay na hindi mo dapat gawin sa araw mismo ng eleksyon ayon sa Commission on Elections.
1. Wag pagpustahan ang resulta ng eleksyon.
2. Wag magdala ng baril sa labas ng iyong bahay o lugar ng trabaho kahit pa may permit to carry.
3. Wag bumoto nang higit sa isang beses. Bawal ang flying voters o double voting.
4. Wag gumamit ng ibang balota maliban sa ibibigay ng Board of Election Inspectors.
5. Wag kuhaan ng litrato ang iyong balota. Hindi rin pinapayagan ang mag-selfie kasama ng iyong balota.
6. Wag magbitbit ng nakamamatay na armas sa loob ng presinto kung saan ka boboto.
7. Wag magbenta, mag-alok, bumili, o maghain ng alak at iba pang nakakalasing na inumin isang araw bago ang eleksyon at sa mismong araw ng eleksyon.
8. Wag magdaos or makilahok sa sabong, boxing, karera ng kabayo, jai-alai at iba pang kahalintulad na laro sa araw ng eleksyon.