Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
ANAKALUSUGAN Party-list inihain ang Medical Reserve Corps Act
ANAKALUSUGAN Party-list isinulong ang “Medical Reserve Corps Act” o House Bill No. 1695, na naglalayong bumuo ng grupo ng mga medical practitioners bilang panghanda sa mga health crisis at posibleng pandemya.
Ayon sa panukala, bibigyan ng special at limited authorization ang mga magiging myembro ng Medical Reserve Corps na kabibilangan ng mga licensed physicians, mga medical student na nagtapos ng apat na taon sa kursong medikal, at mga allied health professionals. Sa pangunguna ng Health Emergency Management Bureau (HEMB) sa ilalim ng Department of Health (DOH), bibigyan ng sapat na pagsasanay ang mga myembro at magiging bahagi sila ng pinakamalapit na Mobilization Center sa kanilang tirahan. Kasama rin sa batas ang pagbibigay ng sahod, medical care, at hospitalization, bukod pa sa kanilang tinatanggap sa regular nilang trabaho.
“Kailangan nating tugunan ang paglala ng sistemang pangkalusugan dala ng COVID-19 pandemic. Ang pagkakaroon ng Medical Reserve Corps ay aalalay sa ating mga pagod na kawani sa kalusugan. Bagaman ito ay boluntaryo, karapatan din nilang makatanggap ng kompensasyon sa ilalaan nilang paglilingkod,” ani ni Representative Ray Florence Reyes.