Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
Anakalusugan:Mas malawak na healthcare package para sa mga may autism
Isinusulong ng AnaKalusugan Party-list ang mas malawak ng healthcare benefits para sa mga Pilipino na may autism.
Sa Pilipinas, tinatayang isa sa 500 na Pilipino ang mayroong autism, na itinuturing na isang disability na saklaw ng coverage ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
“Kulang tayo sa early detection at sapat na health care. Dapat dagdagan ang benepisyo para sa mga persons with disability (PWDs), kabilang na ang mga may autism,” ani AnaKalusugan nominee Gina Reyes-Manadanas. Sa ilalim ng PhilHealth Circular No. 2017-0029, maaraming mag-avail ang mga magulang ng mga batang edad 0-17 years old na may autism ng Z Package na maaaring umabot hanggang mahigit P5,000. Pero ayon kay Reyes-Mandanas, hindi sapat ang benepisyo lalo pa sa mga mahihirap na pamilya.
“Kahit pa nga sa isang middle-class family, mabigat ang halaga ng gamutan at therapy para sa mga batang may autism.”
Aniya, ang isang therapy session ay maaaring umabot ng mahigit P1,000. Minamarkahan ang ika-26 na anibersaryo ng National Autism Consciousness Week ngayong buwan ng Enero.