Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
RA 11556
Labing-tatlong (13) Batas ang isinulong ngayong taon na nagbigay pansin sa mga ibat-ibang Hospitalng Pilipinas.
Suporta para sa mga Hospital sa probinsya tulad ng Rizal, Palawan Lying-in Clinic kung saan may karagdagang kama upang mas maraming pasyente ang matulungan ,kasabay nito ang pagbibigay ng trabaho sa mga medical personnel at mas magagandang facilties upang lahat ng kababayan ay mabigyan ng maayos at mabilis na serbisyo.
Maraming batas ang naipanukala na magbibigay karagdagang higaan at maayos na pasilidad para sa mga hospital. Isang layunin na makakatulong sa pagbilis at pagkakaroon ng maayos na serbisyo para sa mga hospital na nasa malalayong probinsya. Ayon kay Zaldivar,“Sa pamamagitan ng R.A. No 11556, mas maseserbisyohan ang ating mga pamilya at nanay na manganganak, na minsan ay bulubundukin at ilog pa ang binabyahe at dinadaanan para lang makarating sa paanakan o sa ospital. Sa batas na ito ay may dagdag na pondo, kagamitan, hospital beds, at mga kawani sa Jose P. Rizal Lying-in Clinic sa munisipalidad ng Rizal, Palawan na maglilingkod sa atin pong mga kababayan,”