Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
1,000 riders sama-samang pumadyak para sa kalusugan
Nagtipon-tipon ang daan-daang volunteer at tagasuporta ng AnaKalusugan Party-list sa probinsya ng Antique nitong Sabado, Pebrero 19 para sa “Padyak para sa Kalusugan.”
Layon ng pagtitipon na hikayatin ang mga Antiqueño na yakapin ang isang mas malusog at mas aktibong pamumuhay sa pamamagitan ng pagsali sa sports.
Higit 1,000 rider ang sumama sa pagpadyak mula EJB Freedom Park sa San Jose de Buenavista at tinahak ang mahigit 58 kilometro papunta sa bayan ng Valderrama.
Isang maikling programa naman and idinaos sa Valderrama Cultural and Tourism Center.
Nagpapasalamat si Ray Roquero, nominee ng Anakalusugan at dating mayor ng Valderrama, sa mga matitiyagang volunteer na sumama sa pagtitipon.
“Lubos ang ating pagpapasalamat sa mga Antiqueño na kasama ating ‘Padyak para sa Kalusugan’ at sumusuporta sa ating bitbit adbokasiyang pangkalusugan na dala-dala ng Anakalusugan Party-list. Ngayon higit kailanman sa gitna ng isang pandemya, ang pag-aalaga ng mabuti sa ating pangkalahatang kagalingan at kalusugan ay mahalaga,” ani ni Roquero.
Layunin din ng programa na protektahan ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagsusulong ng paggamit ng mga bisikleta bilang alternatibong paraan ng transportasyon.