Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
Libreng check-up, gamot hatid ng Anakalusugan party-list sa Sta. Maria
Naglunsad ng libreng medikal check-up at nagbigay ng libreng gamot ang AnaKalalusugan Party-List sa mga residente ng Sta. Maria, Bulacan nitong Miyerkules, Jan. 12, 2022. Ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na medical mission ng partido upang mailapit ang mga medical services sa mga mamamayan.
Ang mobile clinic na dala mula sa headquarters ng Anakalusugan sa lalawigan ng Batangas ay may sapat na kagamitan para sa x-ray, ECG at complete blood count.
Ang Anakalusugan Party-List ang isa sa pangunahing nagsusulong na itaas ang antas ng sebisyong medikal sa bansa. Sa nakalipas na tatlong taon sa Kongreso, ang Anakalusugan ay nakapagpasa ng batas para dagdagan ang hospital beds sa mga pampublikong ospital. Ito rin ang pangunahing nagsusulong ng mga batas para itaas ang sahod ng mga doktor, nars at ibang medical workers, gawing regular na empleyado at itaas ang benepisyo ng Barangay Health Workers, Child Development Workers at Community Nutritionists.