Welcome to Our News Page
AnaKalusugan Party List
ALERT LEVEL 1 GUIDELINES
Simula Marso 1 hanggang 15, isasailalim na ang Metro Manila at 38 na iba pang lugar sa Alert Level 1. Anu-ano nga ba ang mga dapat at hindi dapat gawin sa ilalim ng klasipikasyong ito?
1. Maari nang lumabas ang mga bata o matanda.
Wala nang restriksyon sa edad ang pwedeng lumabas ng bahay. Pero tiyaking sumunod pa rin sa mga minimum health standards, kasama na ang pagsusuot ng face mask.
2. Pinapayagan na rin ang interzonal travels.
Ibig sabihin ng interzonal travel ay maari nang bumyahe ang mga tao papasok o palabas ng mga probinsya, lungsod o komunidad. I-check ang mga lugar na pupuntahan upang masigurado ang mga requirements nito.
3. Pwede na uling mag-ehersisyo sa labas
Sa ilalim ng Alert Level 1 ay pwede nang mag-ehersisyo sa labas ang bata man o matanda. Ugaliing sumunod pa rin sa minimum health protocols.
4. Pinapayagan na ang pagbubukas ng mga establisyemento katulad ng parks o pagkakaroon ng indoor gatherings. Maari na ring mag-100% capacity ang mga gym, salon, kainan, at simbahan dahil fully operational na ang mga ito.
Bagaman fully operational na ang mga establisyemento, ugaliin pa ring mag suot ng face mask at mag social distancing.
Pahalagahan ang inyong kalusugan. Sa AnaKalusugan, una ang kalusugan!